Living in Japan

ECOLOGICAL BUS

Ang Tokyo Governor na si Yuriko Koike ay nag-tour sa bagong bus na hindi naglalabas ng carbon dioxide at siya ay na-satisfy sa kinalabasan ng sasakyan.

Ang bus na ito ay nagge-generate ng energy base sa hydrogen, na kung saan nagre-recharge ng battery na naka-install sa bus. Ito ay gagamitin sa “Tokyo Big Sight” route sa Tokyo Station. Ito ay may magandang function in case magkaroon ng mga sakuna dahil ito ay nag-iipon ng enerhiya. Kapag ang battery nito ay fully charged, ito ay posibleng maka-supply ng isang Gym sa loob ng mahigit 3 araw.

Ang idea ay para makapag-paandar ng fleet ng mahigit 100 na bus sa Tokyo hanggang 2020 Olympics.

Source: ANN News

To Top