Economic Development of Japan after 1945
Halos lahat ng bansa sa buong daigdig, ay dumaan sa mga napakaraming pagsubok matapos maranasan ang kalunus-lunos na epekto ng digmaan. Katulad ng bansang Japan matapos ang 1945, sinasabi ng kasaysayan na ang “economic miracle of Japan” ay di matatawaran. Siya ay naging world’s “second largest economy” pagkatapos ng World War 2. Ang economic miracle na ito ay bunga ng Post War effects of the Second World War.
Matapos ang digmaan, ang Estados Unidos ay lubusang nagbigay ng kanyang pagpapahalaga sa Japan. Mula noon, gumawa ang marikit na nasyon na ito ng kanyang di malilimutang tatak sa kasaysayan bilang isa sa mga superpowers ng Southeast Asia.
The Phenomenal Economic Miracle of Japan after WWII
Ang mga hindi malilimutang katangian ng economic miracle ay ang pagkakaisa ng mga alagad sa larangan ng business sector. Ilan sa mga ito ay mga suppliers, manufacturers at mga bangko. Sa pangkahalatan, ito ay tinatawag na keiretsu. Ito ang union of enterprises. Sila ang mga pangunahing nagpapatatag ng ekonomiya upang tuluyan ng makabawi ang Japan sa pagkakalugmok nito bunga ng masalimuot na digmaang gumimbal sa buong daigdig.
Lahat ng mga tauhan sa loob ng makapangyarihang Japanese government ay kumilos upang maisakatuparan ang mga adhikain para sa tunay na milagro ng ekonomiya ng bansang Japan. Pinangakuan ng mga Japanese bureaucrat ang mga mamamayan ng pangmatagalang serbisyo sa trabaho at iba pang mga magagandang employment opportunities para sa lahat sa mga kilalang urbanized factories ng Japan. Ang Ministry of International Trade and Industry naman ay ang nagpatupad ng mga economic policies na nagbigay buhay muli sa namatay na Japanese economy sa loob ng ilang taon.
Sino nga ba ang dapat papurihan at pasalamatan sa pagkakaroon ng economic miracle? Hindi na kailangang sabihin pa. Ang unique at viable economic policies ng Japan ang siyang nagbunsod ng pinakamabisang mekanismo upang ang mga mamamayan ay mabuhay ng marangal at may dignidad anuman ang kanilang adhikain at katayuan sa buhay.
Image Source:
www.jei.org
By Wushi-En GFDL, CC-BY-SA-3.0, CC BY 2.5, CC BY 2.0 or CC BY 1.0, via Wikimedia Commons