General

Edad 65 pataas, prayoridad na mabigyan ng Influenza Vaccine sa susunod na buwan

Isang panawagan ang ipinalabas ng Ministry of Health, Labor and Welfare na bigyan ng prayoridad ang mga mamamayang may edad 65 pataas. Ayon sa datos, inaasahang nasa 63 million katao ang mababakunahan ngayong taon, pinakamataas na bilang sa loob ng 5 taon. Dahil sa pangambang dulot ng pandemyang coronavirus, dahilan upang manawagan ang Ministry of Health, Labor and Welfare na unahing mabigyan ng bakuna kontra influenza ang mga matatandang may edad 65 pataas simula sa unang araw ng susunod na buwan. Ang iba ay maaari ng makatanggap ng bakuna mula sa araw ng ika-26. Dahil sa limitadong bilang, uunahin muna ang mga health care professionals, mga taong may iba pang karamdaman, mga buntis at bata mula 6 na buwan hanggang second grade ng elementarya.

Source: ANN NEWS

To Top