Egg prices return to 20-year high
Muling umabot sa pinakamataas na antas sa loob ng 20 taon ang presyo ng itlog sa Japan, ayon sa pinakahuling datos. Batay sa survey na inilabas noong Martes (17) ng Ministry of Agriculture, ang pambansang average na presyo ng isang tray na may 10 itlog ay umabot sa ¥308, kapantay ng naitalang rekord noon.
Iniuugnay ang pagtaas ng presyo sa epekto ng avian influenza, pagtaas ng gastos sa produksyon, at pagmahal ng feeds o pakain sa manok. Nagtala rin ng panibagong rekord ang presyo ng chicken thigh meat, na umabot sa ¥153 bawat 100 gramo. Patuloy pang naaapektuhan ang produksyon dahil sa pagpatay sa mga manok upang makontrol ang sakit at sa limitadong suplay sa merkado.
Source: Jiji Press


















