Ang quality of education ay isa sa pinakamatibay na basehan na hindi kailanman mabubuwag ang kaunlaran. Sa Japan, ang EIKEN test ay ginagamit na sukatan ng English proficiency certification. Higit sa lahat, ito ang pinakasusi sa magandang uri ng trabaho na may mataas na sahod.
EIKEN Foundation
Sa pag-aaral ng mga eksperto, marami ang nakakapasa sa pagsusulit na ito taon-taon. Ito ay inaprubahan ng Ministry of Education ng Japan. Ang nasabing exam ay ginawa at ibinibigay ng Eikyo. Ito ay isa sa mga opisyal at rehistradong foundation sa Japan. Naitatag ang foundation na ito noong 1963. Ang kanilang tanggapan ay nasa mismong kabisera ng Japan. Ang mga kawani ng EIKEN Foundation ay naniniwalang ang EIKEN test certification ay lubhang napakahalaga sa employees’portfolio sa darating na panahon. Kaya naman, ang mga cram schools ng Japan ay inilalaan ang kanilang angking talino at dedikasyon sa paggawa ng pagsusulit na ito.
EIKEN Test Pros and Cons
Ngunit alam ba ninyo na ito ay nagdulot ng pinakamahirap at kakaibang uri ng suliranin sa mga Japanese people? Una sa lahat, ang validity factor of measurement and interest ay lubhang mahirap hanapan ng ibayong kalutasan para sa kukuha ng test na ito. Paano nga ba nito nasusukat ang intellectual capacity ng isang tao? Sa kasamaang palad, wala itong kongkretong sandigan ayon sa pag suporta sa ganitong klase ng mga English proficiency.
May mga siyentipikong pag-aaral na nagsasabing ang Eikyo tests ay dapat bigyan ng pansin pagdating sa usapin ng tests construction criteria tulad ng validity at reliability. Ang mga factors o criteria na ito nagbibigay ng ibayong sigla sa mga consumers nila. Ayon sa pagsusuri, ang mga eksamen na ito nangangailangan ng mas katanggap-tangap na pamamaraan upang ito ay maging reliable para sa lahat.
Sa pananaw naman ng isang dalubhasa sa Ingles, ito ang kanyang sinabi.
“The training is good business for the school, as it takes a huge amount of time to prepare students and the hourly fees are substantial.”
Gayun din, “I began to have serious doubts about whether the Eiken is useful to English learners.”
“Not only are there many head-scratchers among the test items, but I think there is something flawed about the whole idea of promoting English proficiency by the means of paper-based examinations. After all, the origin of any language is oral — that’s the natural mode of human communication. But with the Eiken’s heavy emphasis on grammar and reading comprehension, the language comes over to students as a formula to be solved on paper.”
Marami man ang di sangayon sa Eiken tests, ito ay nagdulot ng magandang epekto para sa mga kumuha ng pagsusulit. Sila ay biglang nasorpresa sa dami ng mga Hapon na ibig itong subukan. Subalit, bigo pa rin ang mga ito na mapabuti ang kalidad ng English proficiency para sa lahat.
Image from www.japantimes.co.jp