Embahada ng Japan, Nagdaos ng War Memorial Service sa Pilipinas
Isang memorial ceremony ang idinaos sa isang sementeryo malapit sa Maynila para magluksa sa mga taong namatay sa Pilipinas during World War Two. Humigit-kumulang half a million Japanese at 1 million Filipinos ang tinatayang namatay doon.
Inorganisa ng Japanese Embassy ang annual event nitong Lunes, ang araw kung kailan minarkahan ng Japan ang pagtatapos ng digmaan. Humigit-kumulang 180 katao, kabilang ang mga Japanese expatriates sa bansa, ang dumalo. Isang moment of silence sa harap ng isang monumento at nag-alay ng mga bulaklak.
Itinuring ng wala na ngayong Japanese Imperial Army ang Pilipinas bilang frontline of defense para sa Japan sa final stage of the war. Ang mga Japanese at US troop ay nakibahagi sa fierce ground battles. Ang mga lokal na residente ay nahuli sa crossfire.
Isa sa mga participant sa seremonya, si Murakami Haruko, ay nawalan ng ama sa digmaan. Sinabi ng 90-anyos na ito na ikinalulungkot na maraming mga naulilang pamilya ang hindi nakarating mula sa Japan dahil sa coronavirus pandemic. Sinabi rin niya na kailangan ng Japan at Pilipinas na panatilihin ang matalik na relasyon.
Sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko na nakuha ng Japan ang tiwala mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtupad sa pangako nitong hindi na muling makikipagdigma. Idinagdag niya na dapat ipagpatuloy ito ng Japan.