Emergency Alert Warning ng pagbaha at iba pang sakuna: Inilabas sa Kagoshima
Ang Southern Kyushu ay tinamaan ng isang record breaking rain disaster, nagsimula ang pag-ulan sa gabi ng ika-5 ng July at kinakailangang maging alerto ang lahat sa posibleng pag-apaw ng mga ilog,pagbaha at iba pa. Aktibo ang rainy season ngayong taon at inaasahan ang mabigat na pag-ulan sa Kyushu hanggang ngayong araw. Sa Kushima City, Miyazaki Prefecture, ang inaasahang sukat ng pagulan ay 120mm sa loob ng 1 oras hanggang 7:10am.
Ang Honjo River sa Kushima City, Miyazaki Prefecture ay umapaw na hanggang Odashiro Bridge, at umabot na ang river water sa dike. Ang warning sa paglikas ay inisyu na sa may 326 katao sa 174 household sa Honjo area. Samantala sa Takaono Dam sa Izumi City, Kagoshima prefecture bandang alas 7 ng umaga lagpas na sa normal level ang tubig sa Dam kung kaya’t inumpisahan na nila ang mga disaster prevention operations sa posibleng pagbaha dahil tataas ang level ng mga dumadaloy na tubig sa ibaba ng Dam kapag nagpakawala ito ng tubig. Maaaring bantayan ang mga paganunsyo ng impormasyon mula sa mga munisipalidad at maging alerto upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Source: ANN NEWS