Emergency state declaration tatapusin na ba o mage-extend pa?
Ang “Extension” o “pagkansela” ng state of emergency hanggang ika-6 ng susunod na buwan ay nasa agenda pa din.
Punong Ministro Abe: “Nais kong gumawa ng mga pagpapasya batay sa mga rekomendasyon ng mga eksperto (hindi man kanselahin ang deklarasyon). Una sa lahat, bilang ang pamahalaan, ay naglalayon na mabawasan ang mga pagkakataon sa pakikipag-ugnay sa 80%, nais naming gumawa ng masusing hakbang upang maiwasan ang mas malalang pagkalat ng impeksyon. “Ang pamahalaan ay gagawa ng isang expert meeting sa linggong ito upang suriin ang mga trends sa bilang ng mga nahawaang tao at ang sitwasyon sa mga medikal sites.
Batay sa mga sitwasyong ito, magpapasya si Punong Ministro Abe kung palalawigin ang emergency declaration. Gayunpaman, dahil ang sitwasyon ay nag-iiba depende sa rehiyon, sinabi ng mga senior government officials, “Mahirap bang kanselahin ang lahat nang sabay-sabay sa buong bansa?”
Source: ANN News