General

Epekto ng Palaging Puyat

Masamang Epekto sa Kalusugan Kapag Laging Puyat

Marami nang pag-aaral ang naisagawa na nagpapakita ng negatibong epekto sa kalusugan na kaunting oras ng pagtulog.

1. Ito ay nagdudulot ng fatigue o labis na pagkapagod, kakulangan ng lakas, hirap na makapagconcentrate, hindi makapagfocus at laging iritable.
2. Mabilis nawawala sa mood ang isang tao kapag kulang sa tulog
3. Nagdudulot ng neurological disturbances tulad ng visual illusions, hallucinations, paglabo ng mata, nagiging malilimutin at inaantok
4. Bumababa ang resistensya at nagiging sakitin
5. Masama ito sa kalusugan ng iyong puso. Ayon sa pag-aaral ang mga babaeng natutulog ng pitong oras pababa ay may mas mataas na posibilidad na atakihin sa puso.
6. Nagdudulot ito ng impaired glucose tolerance at mas mataas na blood sugar level kaya maaring magkaroon ng prediabetes
7. Mas nagugutom ang isang tao na kulang sa tulog dahil nagkakaroon ng pagbabago sa mga hormones tulad ng ghrelin, leptin at cortisol. Mas napapakain ng marami lalo na ng matatamis na pagkain
8. Tumataas ang level ng stress hormone na cortisol kapag laging nagpupuyat
9. Nagdudulot din ito ng abnormal na thyroid function at paggawa ng growth hormone.

Note: Gawa at Research ni Doktor Doktor Lads.

Source: Doc Willie Ong

Epekto ng Palaging Puyat
To Top