EQUINOX: Japan Hit by Strong Storm on First Day of Spring
Ang Japan ay nakaranas ng malakas na bagyo sa unang araw ng tagsibol, isang pambansang holiday.
Noong Marso 20, “Shunbun no Hi” (春分の日), ito ang Equinox ng Tagsibol at sa iba’t ibang mga rehiyon, may mga report ng snow at malalakas na hangin.
Sa lungsod ng Takayama, sa lalawigan ng Gifu, bukod sa ingay ng malalakas na hangin, ang snow ay bumagsak nang malalaking flakes.
Sa Yamaguchi at sa Hokuriku region, may report ng hail.
Sa Oita, naitala ang mga maximum na bilis ng hangin na higit sa 19 metro bawat segundo. May mga pagkaantala sa mga tren at maraming mga plano ng holiday ang nabago.
https://www.youtube.com/watch?v=ZalExfthCwI&t=32s
Sa Shobara, sa lalawigan ng Hiroshima, may 8 sentimetro ng snow. Ang mga mailbox pati na rin ang mga cherry blossom ay natatakpan ng snow. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon na nag-snow matapos ang Marso 20.
Sa Miyoshi, sa lalawigan ng Tokushima, ang snow ay nagsimula nang bumagsak sa mga bundok sa umaga, kung minsan ay nagiging sobrang lakas na ang paningin ay zero.
Source: ANN News and Japino