Accident

Eroplanong May Lulan na 132 Katao, Nag-crash sa Southern China

Sinabi ng mga awtoridad sa aviation ng China na isang Boeing 737 ng China Eastern Airlines ang bumagsak sa Guangxi Zhuang Autonomous Region sa southern China. Ang eroplano ay lulan ng 132 katao.

Sinabi ng mga awtoridad na 123 pasahero at siyam na crewmember ang sakay. Ang eroplano ay lumipad mula sa Kunming sa Yunnan Province noong Lunes, at patungo sa Guangzhou sa Guangdong Province.

Ang mga rescue worker ay sumugod sa crash site sa Wuzhou City sa rehiyon.

To Top