Estudyante sa Tokyo, Inaresto dahil sa Pagbibigay ng Illegal Haircuts sa Libu-libong Customers
Isang Vietnamese na estudyante ang inaresto dahil sa hinalang nagbibigay ng barber services nang walang lisensya sa kanyang tahanan sa Tokyo, na nagsisilbi ng hanggang 3,000 mga customer mula noong Abril 2021, sinabi ng pulisya noong Lunes.
Si Nguyen Van Thang, isang 24-anyos na vocational school student, ay na-detained noong Martes noong nakaraang linggo dahil sa umano’y pag-alok ng haircut at shave sa isang kababayan sa halagang 1,500 yen sa kanyang condominium sa Fussa, western Tokyo, noong araw na iyon, sinabi ng pulisya.
Naniniwala ang pulisya na naakit ng suspek ang mga Vietnamese na customer sa pamamagitan ng social media at kumita ng 4.5 milyong yen sa kabuuan. Itinanggi niya ang mga paratang, sabi nila.