KUMAMOTO PREFECTURE – Tumatannggap na mga karagdagang aplikante para sa temporary housing.
Noong Abril nitong taon, ang bayan ng Mashiki ay nakaranas ng dalawang pinaka-malalakas na lindol na may intensity scale na zero hanggang seven.
Tinatayang nasa 5,000 kabahayan ang nasira at mahigit sa 1,900 na residente ang magpasa-hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa mga evacuation shelters.
Tumanggap na ang mga awtoridad ng 976 na aplikante para sa mga temporary housing units noong Mayo. At ngayon ay tumanggap pa muli sila ng karagdagan na 370 units. Dumalo ang mga evacuees sa community hall kahapon, araw ng Linggo para dito.
Layunin ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng mga pansamantalang matutuluyan ang mga biktima ng lindol lalo na at tag-init na. Inaasahan ng awtoridad na makalipat na ang mga aplikante sa kanilang mga pansamantalang tahanan sa unang linggo ng Augusto.
SOURCES: ANN NEWS, YOUTUBE, JAPAN BULLET
#Japinoy #Japinonet