Culture

Ang Tagumpay Ni Excel Borbon: Isang Pilipinong Nurse Sa Japan

“I love taking care of the sick, the wounded, and the helpless.”

-Excel Borbon

 

Si Excelsis Borbon ay isang rehistradong nurse na tubong Pagadian City, Zamboanga del Sur. Sa kasalukuyan, siya ay nagtatrabahong nurse sa Tokyo, Japan.

 

Ayon ka Excel, napakahirap ang pumasa sa isang nursing board exam lalo pa na wala din tayong sanligan sa pag-aaral sa ating bansa ng linguwaheng “Nihongo”. Ang sistema ng panunulat sa Japan ay “kanji” at hindi alpabeto. Kung ikaw ay mag-aaral  nito ay para kang nag-aral muli ng kindergarten hanggang kolehiyo at kinakailangang maipasa ito sa loob ng tatlong taon. Hindi naging madali para kay Excel ang pag-abot ng kanyang pangarap, ngunit sa likod ng kanyang mga paghihirap ay nakaantabay ang kanyang ina at ginawa niya itong inspirasyon para makamit ang lahat ng ito.

 

Ang trabaho niya pag dating sa Japan ay caregiver. Hindi niya inakala at ng kanyang mga kasamahan ang nag-iintay na kapalaran para sa kanila. Hindi sila napaalalahanan ukol dito sa simula pa lang, kaya naman marami sa kanila ang hindi tumuloy at sumuko na lamang. Dahil hindi raw nila matanggap na caregiver ang trabahong ibibigay sa kanila at buong inakalang mga nurse sila. Ngunit binago niya ang pananaw niya sa trabahong nag-hihintay sa kanya. Inisip niya na kung mag tatrabaho siya bilang caregiver, pasiyente parin ang aalagaan niya, pasiyente na nangangailangan ng serbisyo at tulong ng isang kagaya niya at walang pinag-kaiba ito sa trabaho ng isang nurse.

 

“Kapag napapagod ako, ginagawa ko lang magpahinga. And need kong ipagpatuloy ang goals ko sa buhay.” Ayon sa kanya.  Sa tatlong taong nagtrabaho siya bilang isang caregiver, uuwi siya ng kanyang tahanan para mag-aral. Ang trabahong ito ay kinakailangan ng lakas. Ayon sa kanya, physically drained and stressful ang mga katawan at isip nila dahil isa sa trabaho nila ay bumubuhat sila ng 40 patients patungong bathroom at mayroong hadlang sa komunikasyon.

 

Bilang isang nurse, siya na ang humahawak ng mga pasiyente at receiver na siya ng doctor’s order. Ang bansang Japan ay napaka-perfectionist ika niya. “There is no room for errors.”.  Darating ang panahon na ang Japan ay mas mangangailangan ng mas marami pang careworkers para tumulong sa sistemang medical ng bansa. Ang  mga Pilipino ay laki sa alaga ng magulang kaya naman ay nagustuhan ng mga hapon ang karakter na ibinibigay ng isang Pilipinong nurse sa mga pasiyente kabilang na ang pagiging magalang at mapag-aruga sa mga nakakatanda.

 

Sana ay ipag patuloy pa ng TFC channel ang mga palabas na nagpapakita ng magagandang katangian ng Pilipino at pagmamahal sa ating sariling bansa. Kahit malayo ka sa iyong bansa, makikita ng Pilipinas ang mga magagandang karakter na ibinabahagi ng isang Pilipino sa buong mundo. Ipagpatuloy natin ang pagpapakita ng magagandang katangian ng pagiging isang Pilipino.

To Top