Executive arrested in Kanagawa for assisting in visa fraud

Isang 55-anyos na negosyante ang inaresto sa lungsod ng Yokosuka, prepektura ng Kanagawa, dahil sa umano’y paglabag sa Immigration Control and Refugee Recognition Act matapos umanong makisangkot sa isang scheme ng pandaraya sa aplikasyon ng visa.
Ayon sa imbestigasyon, ang lalaki ay nakipagsabwatan umano sa isang 34-anyos na babaeng Pilipina, na empleyada ng isang restaurant sa lungsod ng Atsugi, upang magpalsipika ng mga dokumentong isinumite sa Immigration Services Agency noong Hunyo ng nakaraang taon. Ang babae, na kasalukuyang nahaharap sa parehong kaso, ay pinaniniwalaang nagpakasal noong 2020 sa isang lalaking Hapon na nasa 60s upang makakuha ng permit sa paninirahan.
Ipinahayag ng pulisya na ang negosyante ang siyang nagsulat ng mga form sa pangalan ng umano’y asawa, bagay na inamin niya sa kanyang pahayag, bagaman itinanggi niya ang ilan sa mga paratang.
Samantala, iginiit ng babaeng Pilipina at ng lalaking Hapon na totoo ang kanilang relasyon, ngunit naniniwala ang mga imbestigador na peke lamang ang kasal. Ayon sa pulisya, ang babae ay mayroon ding malapit na ugnayan sa negosyanteng naaresto.
Source: Kanagawa Shimbun
