Extended-stay para sa mga Foreigner, Magtatapos sa Katapusan ng Hunyo
Ang gobyerno ng Japan sa katapusan ng Hunyo ay magtatapos ng isang panukala na nagpapahintulot sa mga dayuhan na hindi muna makakabalik sa kanilang home countries dahil sa coronavirus border controls, na palalawigin naman ang kanilang pananatili sa Japan.
Nagpasya ang Tokyo na wakasan ang panukala dahil unti-unting niluwagan ng mga bansa ang kanilang border controls, sinabi ng Immigration Services Agency ng Japan noong Martes.
Ang panukala ay na-introduce noong Marso 2020 sa early stage ng pandemya ng COVID-19, karamihan ay nagta-target sa mga dayuhan na nakatapos ng kanilang technical internship programs o studies sa Japan.
Ayon sa ahensya, ang mga indibidwal na ang status ng paninirahan ay mag-e-expire sa Hunyo 30 o ater under six-month “designated activities” visa at gustong mag-extend ng kanilang pananatili ay maaaring manatili sa Japan ng karagdagang apat na buwan, ngunit hindi na mapapahaba pa ang kanilang pananatili sa ilalim ng mga visa na iyon.
Ang mga nasa Japan na may 90-day short-stay visas, na karamihan sa kanila ay bumibisita sa mga kamag-anak o nagsasagawa ng mga business activity, ay hindi makakapag-extend ng kanilang pananatili mula Hunyo 30.
Sa pagtatapos ng Abril, humigit-kumulang 79,600 dayuhan ang nananatili sa bansa sa ilalim ng panukala. Ang bilang ay bumababa mula noong simula ng taon alinsunod sa easing of border controls.