Culture

EYE GLASSES AVAILABLE IN DRIVE THRU?

Inadapt ng isang eyeglasses store sa Gunma ang sistema ng fastfood chain drive thru’s kung saan ay hindi na kinakailangan pang bumaba ng customer para sa kanilang order kundi iikot na lang sila sa isang drive-thru counter. Dahil naniniwala silang mas mapapabilis at mas mapapataas nila ang kanilang sales sa pamamagitan nito. Sa Maebashi, pwede ka ng makabili ng iyong eyeglasses sa loob ng 30 minuto ng hindi na kinakailangan pang lumabas ng iyong sasakyan. Ayon sa isang official network, ang syudad ng Maebashi ay isa sa may highest rate ng mga sasakyang pag-mamayari ng mga lokal at nakakatanggap umano sila sa kanilang drive thru ng aabot sa 40 clients sa loob lamang ng isang araw.

Source: ANN News

#Japinoy #Japinonet

To Top