Living in Japan

FAMILY BUDGET

Habang ang mga padre de pamilya ay kumakain ng kanilang 500 yen na obento, ang mga ginang naman ay nage-enjoy ng kanilang masaganang tanghalian, batay sa survey na isinagawa ng Yasuda Seimei Insurance, sa taong ito, ang average lunch ng mga ginang ng tahanan ay 1.7 times na mas malaki keysa sa kanilang mga husband. Ang mga ginang ay gumagastos ng average lunch na 1204 yen, habang ang mga asawang lalaki naman ay nasa 704 yen. Ang pagkakaiba na ito ay nakakapagtaka sa balance sa pagitan ng mag-asawa. Habang ang mga lalaki ay gumagastos sa sigarilyo at pag-inom sa labas, ang mga babae naman ay walang horas para makapag enjoy, lalo na sa may mga maliliit na bata.

Sa iba pang research, nadiskubre na ang pagbibigay ng regalo sa mga commemorative dates katulad ng fathers day at mothers day, napag-alaman na 42.7% lamang ang nagbibigay ng regalo sa kanilang tatay at 76.2% naman sa kanilang nanay. Medyo nakakalungkot ang pagkakaiba diba? Kaya’t huwag kalimutan na sa June 18th ay ang Father’s Day dito sa Japan.

Source: ANN News

https://www.youtube.com/watch?v=CSnv61IBk2s

To Top