FDA, Pinahintulutan ang Paggamit ng Booster Shot Para sa mga Batang may Edad 5-11
Pinahintulutan ng US Food and Drug Administration ang emergency use ng booster shot ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad na 5 hanggang 11.
Sa United States, ibinibigay ang mga third shot ng Pfizer-BioNTech vaccine sa mga taong may edad na 12 o mas matanda.
Inanunsyo ng FDA noong Martes na binago nito ang emergency use authorization para sa Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine. Inaprubahan nito ang paggamit ng single booster dose ng bakuna para sa mga indibidwal sa pagitan ng edad na 5 at 11.
Sinabi ng Pfizer noong Abril na ang mga clinical test nito ay nagpakita na ang level ng neutralizing antibodies ay tumalon ng anim na beses sa mga bata na may edad sa pagitan ng 5 at 11, matapos silang bigyan ng third shot.
Sinabi rin ng kompanya na napatunayang epektibo ang booster dose laban sa variant ng Omicron. Idinagdag nito na walang new safety issues ang natukoy.
Sa US, ang pitong araw na average ng mga bagong kaso ng coronavirus ay nanguna sa 90,000. Ang bilang na iyon ay humigit-kumulang 2.5 beses na mas mataas kaysa noong same period noong nakaraang buwan. Tumataas din ang bilang ng mga naospital.
Naglabas ng pahayag ang FDA noong Martes. Sinabi nito na “ang omicron wave ay nakakita ng mas maraming mga bata na nagkakasakit with the disease at naospital, at ang mga bata ay maaari ring makaranas ng mas matagal na epekto.” Sinabi rin nito na ang booster dose ay magbibigay sa mga bata ng patuloy na proteksyon laban sa COVID-19.