Crime

Filipina arrested for trespassing in factory in Japan

Isang 53-anyos na Pilipina ang naaresto noong Hunyo 15 dahil sa di-awtorisadong pagpasok sa isang pabrika ng mga produktong plastik sa lungsod ng Iwata, lalawigan ng Shizuoka, Japan. Ang suspek na naninirahan sa Taito, Tokyo at nagsasabing nagtatrabaho sa isang restawran ay pumasok sa nasabing pabrika bandang alas-9 ng umaga nang walang malinaw na dahilan.

Napansin ng mga empleyado ng pabrika ang pagpasok, at unang iniulat sa pulisya na mayroong alitan sa pagitan ng mga manggagawa. Ngunit nalaman ng mga awtoridad na wala siyang kaugnayan sa kumpanya. Sa kanyang pag-iimbestiga, itinanggi ng suspek ang mga paratang. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Source: SBS

To Top