Filipina suspected of performing illegal cosmetic surgery
Isang 51-anyos na Filipina na may-ari ng beauty clinic ang inaresto sa Japan dahil sa hinalang nagsagawa siya ng mga cosmetic procedure nang walang lisensiya bilang doktor.
Ayon sa pulisya, noong Pebrero at Abril 2026, ginamitan umano niya ang dalawang kliyente ng “Hironose,” isang procedure mula sa pagitan ng mga kilay hanggang sa dulo ng ilong. Inamin umano ng suspek ang ginawa.
Nagsimula ang imbestigasyon matapos magsumbong ang dating empleyado noong 2023 na nagbibigay umano ng injection at kumukuha ng dugo ang may-ari. Noong Mayo 2026, humigit-kumulang 80 bagay ang nakumpiska sa klinika. Tinatayang 20 kliyente ang kaniyang ginamitan ng procedure at kumita siya ng 2.5 milyong yen. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang iba pang posibleng kaso at pinagmulan ng mga gamot.
SOURCE / LARAWAN: TV AICHI
