Filipino among three killed in Shiga crash
By
Posted on
Tatlong katao ang namatay at tatlo ang nasugatan sa head-on collision ng isang kotse at trak sa Takashima, Shiga, bandang 6:20 p.m. noong Agosto 30.
Ayon sa pulisya, namatay ang Pilipinong si Ligon Linwell Joshua Meneses, 28, ang kanyang asawang si Yuki Sawada, 31, at si Yutaka Teshigawara, 27. Malubhang nasugatan ang 33-anyos na driver ng kotse at ang 4-anyos na anak ng mag-asawa. Bahagyang nasugatan ang 53-anyos na truck driver.
Hinala ng pulisya na tumawid ang kotse sa center line at pumasok sa kabilang lane. Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng aksidente.
Source: Kyodo / Larawan: Kyodo – Courtesy of the Shiga Prefectural Police
