News

FILIPINO ARESTADO MULI DAHIL SA ILEGAL NA PAG PAPAUTANG NG PERA

Ayon sa balitang ito isang 48-anyos Filipino na nag papatakbo ng Filipino grocery store sa bayan ng Gifu Prefectural Kani ay nakatanggap ng  bagong  warrant of arrest. Ang akusado ay na nakakulong mula pa noong ika-26 ng Enero ng taong ito sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa pagkakataong ito ang paratang sa kanya ay pagpapahiram ng mataas na interes rate (aciotagem) at mga aktibidades ng  hindi naka rehistro. Ang suspek ay nag pahiram ng pera sa mga 3 pang ibang dayuhan, isa dito ay nag kakahalaga ng 330,000 yen at may  interes na 31,500 yen. Ayon sa mga pulisya  na noon ay nag iimbistiga sa tindahan ng akusado natagpuan nila ang mga listahan ng mga pautang at 600 na mga aytem tulad ng pasaporte at cashcards at ang suspek ay humihingi ng garantiya sa kanyang mga ‘kliyente’, Ang mga biktima ay mga Filipino at Braziliano. Ang suspek ay umamin sa paratang ng walang pag dududa.

Source: Gifu Shinbum

FILIPINO ARESTADO MULI DAHIL SA ILEGAL NA PAG PAPAUTANG NG PERA
To Top