Crime

Filipino arrested for drunk cycling

Isang 49-anyos na Pilipino ang inaresto sa Asakura, Fukuoka matapos mahuling nagbibisikleta habang lasing noong gabi ng Oktubre 31, 2025.

Napansin ng isang nagpapatrulyang pulis na bumilis ang takbo ng siklista nang makita nito ang patrol car. Sa isinagawang alcohol test, natuklasang mahigit doble sa legal na limitasyon ang antas ng alak sa kanyang katawan.

Inamin umano ng lalaki na uminom siya ng isang lata ng matapang na alcoholic drink bandang alas-4 ng hapon bago matulog, at kinumpirma niyang nagbisikleta siya matapos uminom.

Source: +RKB / TBS NEWS DIG

To Top