News

Filipino crewmen probed over oil spill

Dalawang Pilipinong tripulante, edad 36 at 25, ang isinangguni sa mga tagausig nitong Miyerkules (7) dahil sa hinihinalang paglabag sa batas ng Japan laban sa polusyon sa dagat. Kaugnay ito ng pagtagas ng langis malapit sa Sumoto, Hyogo, noong Agosto.

Ayon sa Kobe Coast Guard, naglilipat ang dalawa ng basurang langis sa loob ng isang container ship na nakarehistro sa United Kingdom noong Agosto 4. Lumampas sa kapasidad ang tangke, dahilan upang umapaw at mapunta sa dagat ang humigit-kumulang 185 litro ng langis.

Inamin ng dalawang tripulante ang paratang. Wala namang naiulat na pinsala sa industriya ng pangingisda.

SOURCE: KOBE SHIMBUN / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top