Events

Filipino House Keeping Jobs magbubukas na sa Japan sa mga susunod na buwan!

Uumpisahan na sa June 19,2016 ang pag-aapruba ng POEA sa mga legit agencies at foreign employers na interesadong magpadala ng mga tao para sa job order na ito.

Ayon sa report ng GMA News, gagawin ang pilot testing sa pagtanggap ng mga pilipino para sa house keeping jobs sa bansang Japan. Isa na naman itong magandang oportunidad para sa mga kababayan natin sa pilipinas upang makapasok at masubukan ang buhay sa Japan ng may maayus na trabaho.

Narito ang ilang requirements para ma-qualify sa trabahong ito:

  • At least 1 year experience
  • Level 2 tesda accredited training centers (expenses in the training are usually paid by the employer.)
  • Marunong mag-nihonggo/ N4 JLPT passer
  • 40 hours a week/ 8 hours per day working load
  • with contract
  • stay out, hindi sagot ng employer ang pabahay at ang pagkain pero maaari nila kayong tulungan makahanap ng matitirahan.
  • minimum wage per hour: 905 yen/hr
  • Job Location: Kanagawa Prefecture at City of Yokohama

Napakagandang balita nito mga kababayan ngunit maging maingat sa pagaapply tiyak dadagsa na naman ang mga scammers upang manira ng pangarap ng ilan sa ating mga kababayang umasenso sa hirap.

Para sa ilang katanungan, UGALIING I-CHECK ang ating philippine government site na:

http://www.poea.gov.ph/

o tumawag sa kanilang hotlines: (02) 722-1144/ (02) 722-1155

Panuorin ang iba pang detalye ng report sa video na ito:

Source:GMA NEWS

#JAPINOY #JAPINONET

To Top