Immigration

Filipino man arrested for overstaying visa in Japan

Isang 23-anyos na lalaking Pilipino ang naaresto ng pulisya ng Mishima sa Shizuoka Prefecture dahil sa umano’y ilegal na pananatili sa Japan. Ayon sa suspek, siya ay nagtatrabaho sa isang restawran at naninirahan sa lungsod ng Numazu. Lumagpas siya ng 13 araw sa takdang petsa ng bisa ng kanyang visa, na nag-expire noong Mayo 29.

Nadiskubre ang paglabag nang siya ay pinara ng pulis sa isang patrol operation habang nagbibisikleta sa gabi nang walang ilaw. Sa beripikasyon ng mga dokumento, napag-alamang expired na ang kanyang one-year residence card.

Itinuturing ang kaso bilang paglabag sa Immigration Control and Refugee Recognition Act ng Japan, at dinala na ang suspek sa mga kaukulang awtoridad.

Source: Shizuoka Asahi TV 

To Top