News

Filipinos among main victims in Gifu river accidents

Naitala ng Gifu Prefecture ang pinakamataas na bilang ng mga aksidente sa ilog sa walong landlocked prefectures ng Japan at ang ikaapat na pinakamataas sa buong bansa, kabilang ang mga coastal prefectures. Mula 2023 hanggang 2025, umabot sa 172 aksidente ang naitala, kung saan 85 katao ang namatay.

Ang 42% ng mga insidente ay may kaugnayan sa mga recreational activity, habang 28% naman ay nangyari habang nangingisda. Sa mga aksidenteng may kaugnayan sa libangan, 56% ng mga biktima ay mga bisitang mula sa Aichi Prefecture, samantalang 31% ay mga residente ng Gifu.

Kapansin-pansin din ang bilang ng mga dayuhang sangkot sa mga aksidente, na bumubuo sa 29% ng kabuuan. Sa grupong ito, nanguna ang mga Vietnamese na may 29%, sinundan ng mga Brazilian (21%), Pakistani (13%), Peruvian (9%), at Filipino, Nepalese, at Chinese, na may tig-8%.

Bilang tugon, palalawakin ng pamahalaan ng Gifu ang mga hakbang sa kaligtasan, kabilang ang pagpapahiram ng life jackets, pagbibigay ng babala sa social media kapag tumataas ang tubig sa mga ilog, at pagsasagawa ng mga kampanyang pang-edukasyon para sa mga turista, mangingisda, at mga dayuhang komunidad sa pakikipagtulungan sa mga konsulado, kumpanya, paaralan, at mga internasyonal na organisasyon.

Source: Yomiuri Shimbun

To Top