Events

JAPAN’S PRIDE! – NEW DISCOVERED ELEMENT

Untitled

TOKYO – Natuklasan ng mga Japanese scientists ang isang atomic element 113 na planong pangalanang “Nihonium,” ayon sa Riken Institute nitong Miyerkules.

Iminungkahi ng isang grupo ng mga manana
liksik sa Riken ang pangalan mula sa “Nihon,” na nangangahulugang Japan, at
binigyan ito ng simbolo na “Nh,” ayon sa International Union of Pure Applied Chemistry (IUPAC), na siyang mag-aawtorisa sa plano.

Ayon pa sa kanila ang pangalan ay inilaan upang gumawa ng isang direktang koneksy
on sa bansa kung saan ito natuklasan.

Kung pormal na maaaprubahan, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magmumula ang pangalan ng isang elemento sa mga siyentipiko na nanggaling sa isang bansa sa Asya.

Pinangunahan ng Kyushu University Professor Kosuke Morita ang pagsisiguro ng pangalan sa Disyembre matapos ang matagumpay na paglikha nito ng tatlong beses noong 2004, 2005 at 2012.

Habang ang grupo ng mga siyentipiko na binubuo ng U.S.-Russian ay maaga nang sinabi na sila ang unang nakatuklas sa nasabing elemento kaysa sa grupo ng mga siyentipiko ng Riken, at mariing pinagtibay ng IUPAC na ang grupo mula Riken ang unang nakatuklas dito.

Iminungkahi ni Morita ang pangalan sa IUPAC noong Marso pa lamang. Ang organisasyon ngayon ay naghahanda na upang  magsagawa ng limang-buwang pagsusuri upang makahingi ng mga komento mula sa publiko bago ito pormal na gumawa ng desisyon sa katapusan nitong taon.

Ang elemento ay may 113 protons sa kanyang nucleus. Nabuo ng grupo ni Morita ang elemento nang nag-collide ang zinc ions sa bismuth, na kung saan mayroon itong 30 protons at 83 protons.

Ang bagong elemento ay masyadong maliit at nalilikha lamang ito sa loob ng ika-limang-daan kada segundo.

“Ito ay maipagmamalaki at makakapagpatatag pa sa ating paniniwala sa s
iyensya na nawala dahil sa nangyaring 2011 Fukushima Nuclear Disaster” ayon sa pahayag na ipinalabas ng IUPAC.

“Hindi ko nais na magpanukala ng isang pangalan na hindi matatanggap ng lahat ng mamamayan ng Japan. Umaasa ako na ang lahat ay maunawaan ito, ” ayon kay Morita sa Kyodo News.

Ang ministro ng Japan para sa polisiya ng agham at teknolohiya na si Aiko Shimajiri, ay sinabing inaasahan niya na ang pagtuklas dito “ay maiangat ang kamalayan ng mga bagong henerasyon sa agham at magsilbing isang pagkakataon upang ang mga kabataan ng mundo ay mas makilala pa nag bansang Japan.”

To Top