General

Flight Schedules at iba pang detalye tungkol sa pagbiyahe pauwi ng Pilipinas ng Philippine Airlines at Cebu Pacific

Cebu Pacific Advisory 

Flight Schedule hanggang October 24, 2020 

Narito ang listahan ng mga international flights na binabalak na schedule ng lipad ng Cebu Pacific sa Japan.  Ang listahan ay maaaring magbago batay sa pagsang-ayon ng mga pamahalaan:

Flight No.  Route   Frequency 
 
5J 5059 Narita – Manila Tuwing Sabado
(Starting Sep 26)
5J 5042 Manila – Nagoya Tuwing Martes
(except Sep 22)
5J 5043 Nagoya – Manila Tuwing Martes
(except Sep 22)

 Ang listahan ng mga dokumentong kakailanganin para sa byahe ayon sa regulasyon ng mga pamahalaan ng Pilipinas,  Japan, United Arab Emirates, Singapore, at South Korea, ay matatagpuan dito: https://bit.ly/CEBFlightReminders   

 Ang pinakaupdated na iskedyul ng international at domestic flights ay maaaring i-check sa Cebu Pacific website, https://bit.ly/CEBFlightSchedules

 MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG PAGSUOT NG FACE SHIELD
Alinsunod sa ipinatupad ng pamahalaan ng Pilipinas, ang lahat ng pasahero ng Cebu Pacific ay kinakailangang magsuot ng face shield sa kabuuan ng paglalakbay, simula Agosto 15, 2020.Kasabay pa rin ito ng pagsuot ng mga face mask sa airport terminal hanggang makarating sa patutunguhan

 Sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan ng lahat ng pasahero at manggagawa ng CEB, palaging sinisiguro ang paglilinis at pag-didisinfect ng mga pasilidad at ng eroplano, at pagsasailalim ng rapid antibody test para sa mga frontliners at tauhan ng CEB.  Mahigpit ding ipinapatupad ng CEB ang contactless na proseso sa paglalakbay at pagcheck-in upang makaiwas sa anumang pagkontak.  

Hinihikayat ang lahat ng pasahero na i-manage ang kanilang mga booking sa website https://bit.ly/CEBmanageflight

Para sa mga pasaherong may mga nakanselang flights, maaari nilang ilagay ang buong halaga ng kanilang ticket sa kanilang Travel Fund (na maaaring magamit sa loob ng 2 taon); o kaya’y ipa-refund; o kaya ay ipa-rebook nang libre sa ibang petsa sa loob ng tatlong (3) buwan. 

Kung ang bagong petsa ng pagbyahe ay lampas ng tatlong (3) buwan, ang tiket ay may kaakibat na singil o fare difference.

 

Ang CEB ay patuloy na makikipag-ugnayansa mga pasahero sa mga email address at mobile numbers na nakasaad sa kanilang mga booking, kung sakaling magkaroon ng pagbabago sa kanilang byahe. Ang lahat ay  hinihikayat na subaybayan ang mga update sa website at opisyal na social media accounts.

Bago pumunta sa airport, i-check muna ang aktwal na estado ng paglalakbay o flight status sa website: https://bit.ly/CEBFlightStatusCheckSiguraduhin na tuloy ang flight bago pumunta sa airport.

Ang mga katanungan aymaaaring idaan sa: https://bit.ly/CEBrequest   

Para sa karagdagang impormasyon at madalas na naitatanong o Frequently Asked Questions (FAQ), i-click ang:  https://bit.ly/CEBFlightReminders      

Narito naman ang flight schedule ng Philippine Airlines, isaalang-alang na maaring magbago ang flight schedule kahit anong oras alinsunod sa patakaran ng pamahalaan ng Pilipinas dahil sa sitwasyon ng pandemic crisis sa bansa.

Last update: SEPTEMBER 23, 2020, 1:40 AM

Dahil sa umuusbong na sitwasyon ng COVID-19, ang PAL at ang Pamahalaang Pilipinas ay naglabas ng mga hakbang sa pag-iingat, mga ipinag-uutos na mga protokol at mga kinakailangan para sa mga manlalakbay. Para sa mga pasahero sa mga internasyonal na flight sa Pilipinas, mangyaring gabayan sa mga bagong pamamaraan ng pagdating at quarantine sa Manila, Cebu, at Clark.

Hinihimok namin ang lahat ng mga pasahero na sundin ang gabay, magparehistro nang maaga at paunang mag-book ng kanilang mga hotel kung kinakailangan upang maiwasan ang anumang abala at maranasan ang mas mabilis na pagproseso sa pagdating.

Tandaan: Ang isang Overseas Filipino Worker o OFW ay isang tao mula sa Pilipinas na nakatira at nagtatrabaho sa ibang bansa, karaniwang sa pansamantalang batayan. Kasama rito ang mga OFW na nakabase sa lupa at mga marino / mga OFW na nakabase sa dagat. Ang mga pamilyang naglalakbay kasama ang kahit isang OFW ay isasaalang-alang sa lahat ng mga OFW. Ang mga di-OFW ay tumutukoy sa Mga Bumabalik na Mga Overseas Filipino (mga di-OFW na mag-aaral, di-OFW Balikbayan, di-OFW na turista, atbp.), Asawa at mga anak ng mga Pilipino, diplomat, dayuhang opisyal na kinikilala ng Pilipinas, at karapat-dapat na hindi Pilipino / dayuhan mga mamamayan na may mga pangmatagalang visa.

Para sa iba pang detalye bisitahin ang kanilang website dito:

https://www.philippineairlines.com/en/ph/home/covid-19/arrivingintheph

To Top