General

Floyd Mayweather nilait-lait ng pinay habang nasa mall dito sa Pinas

Nagpunta ang sikat na boxer na si Floyd Mayweather Jr. sa Pilipinas at naging endorser pa nga siya ni Vicki Belo. Nalaman ng KAMI na nag-viral kamakailan ang isang video kung saan madidinig na nilait-lait ng isang Pinay si Mayweather. Kahit na sobrang dami ng bodyguards nito ay walang takot niyang isinigaw ang, “I don’t like you, you are chicken.”

Makikita sa video na nadinig ni Mayweather ang sinabi ng Pinay at tumingin ito sa kanya at sumenyas ng thumbs up. Maraming netizens ang nahihiya sa ginawa ng Pinay. Dapat daw ay marunong tayong rumespeto kung gusto rin nating respetuhin sa ibang bansa.

nagpahayag ng pagkadismaya si Gretchen Ho sa di pagsipot ni Floyd Mayweather sa presscon. Tinweet ng Kapamilya host ang mga kaganapan sa kanilang paghihintay sa boksingero. Pero pagkatapos nilang maghintay ng mahigit walong oras ay sinabihan na lang sila na hindi na makakarating si Mayweather. Si Floyd Mayweather Jr. na nakilala minsan bilang “pound-for-pound king,” ay nakatakda daw na umalis sa bansa ngayong araw, Miyerkules, April 3, 2019. Read more: https://kami.com.ph/89408-floyd-mayweather-jr-nilait-lait-ng-isang-pinay-habang-nasa-mall.html#89408

Floyd Mayweather nilait-lait ng pinay habang nasa mall dito sa Pinas
To Top