Flu cases rise across Gunma
By
Posted on
Tumaas ang kaso ng trangkaso sa Gunma, kung saan umabot sa average na 2.78 pasyente bawat medical institution, mas mataas ng 0.74 kumpara sa nakaraang linggo.
Pinakamataas ang bilang sa central Gunma, kabilang ang Maebashi at Isesaki, na may 3.83 kaso. Umabot naman sa 3.27 sa western area at 2.17 sa eastern area.
Apat na klase sa tatlong elementary at junior high schools sa Fujioka at Kanra ang isinara dahil sa pagkalat ng trangkaso. Pinapayuhan ng prefecture ang publiko na regular na maghugas ng kamay at gumawa ng iba pang hakbang laban sa impeksiyon.
Source: Gunma TV /Larawan: Illustrative
