Background: Food Shortage in Japan during World War II
Marami ang nakaranas ng bangungot ng Ikalawang Digmaang Pandaidig. Ito ay nagdulot ng matinding kakapusan sa pagkain at inumin na naging dahilan ng pagkakaroon ng tagutom. Kahit na ang mantika at asukal ay halos walang mabilhan. Tulad ng atin nang natalakay, food rationing ang naging tugon ng Japanese government upang ito ay matugunan noong panahong iyon. Tinaguriang fair share ang magiging epekto ng mekanismong ito sa kabuuan. Sa kalaunan, ang food rationing system ay naging laganap sa isang kisapmata. Maging ang ibang bansa tulad ng US ay ginawa din ito. Noong May 1942, ang US Office for Price Production ay naglabas ng price freeze sa ilang pangunahing bilihin tulad ng kape, asukal, at iba pa.
World War II Food Rationing
Ang pamahalaan ay nagpamigay ng war ration tokens na ibinibigay sa bawat isang pamilyang Amerikano na siyang nagdikta kung gaano karaming gasoline ang dapat lamang bilhin sa isang araw. Gayun din naman ang asukal, nylon, seda at marami pang iba. Noong Second World War, humigit kumulang 20 nations ang nag-aagawan sa supply ng pagkain. Pati ang mga sundalong Hapan ay dumanas ng matindinng kasalatan sa pagkain.
Samantala, ang mga mamamayan ay tinuruan upang maging self-reliant. Sila ay nagtanim ng mga gulay sa kanilang mga sariling bakuran. Ang iba naman ay natutong magtago ng mga pagkain upang iligtas ang kanilang sarili sa karimarimarim na epekto ng food shortage. Ayon sa kasaysayan, ang gobyerno ng Japan ay dumating sa punto na nakahiram ng salapi sa kanilang mamamayan upang maayos nang panandalian ang global problem na ito.
Victory Loans
Ang loan na ito ay tinawag na Victory Loans na nagamit ng mga tao sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan. Upang maisakatuparan ang vested interest ng pamahalaan, pinagbawalan nila ang mga mamamayan na gumastos gamit ang mga bonds na ito.