Forecast: Japan faces risk of hotter and wetter summer
Nagbabala ang mga meteorology experts na maaaring manatiling mas mataas kaysa normal ang temperatura ng dagat sa paligid ng Japan sa mga susunod na buwan, na nagpapataas ng panganib ng matinding init at malalakas na pag-ulan ngayong tag-init.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang temperatura ng tubig-dagat ay nasa pagitan ng 1°C at 2°C na mas mataas kaysa karaniwan para sa panahong ito ng taon. Mataas din umano ang dami ng water vapor sa atmosphere, na nagpapadali sa pagbuo ng makakapal na ulap at mas matitinding weather phenomena.
Napapansin na ang pag-init ng karagatan mula pa noong 2022. Ipinapakita ng forecast na mananatiling above average o mas mataas pa ang temperatura sa ilang bahagi ng Sea of Japan, sa Pacific Ocean malapit sa mga rehiyon ng Shikoku at Tokai, at sa silangang baybayin ng Honshu.
Ayon sa mga eksperto, ang global warming at pagbabago sa wind patterns ang ilan sa mga dahilan kung bakit umiinit ang mga ocean currents. Ang phenomenon ay itinuturing na ngayong isang “marine heatwave,” na maaaring magpalakas ng mga bagyo, magpataas ng dalas ng malalakas na ulan, at magdulot ng mas matinding init sa kalupaan.
Source: NHK
