Foreign children face systemic barriers to learning japanese

Sa pagdami ng populasyong dayuhan sa Japan, tumataas din ang bilang ng mga batang nahihirapan matutunan ang wikang Hapon at makibagay sa sistemang pang-edukasyon ng bansa.
Sa kasalukuyan, higit sa 3.7 milyong dayuhan ang naninirahan sa Japan, at ang mga patakaran sa imigrasyon ay nagpapadali sa pagdating ng mga manggagawa kasama ang kanilang pamilya. Gayunpaman, ayon sa mga eksperto, hindi pa rin lubos na kinikilala ng sistemang pang-edukasyon ng Japan ang mga anak ng imigrante bilang isang grupong nangangailangan ng natatanging atensyon. Limitado ang tulong mula sa pamahalaan, at karamihan sa mga pampublikong paaralan ay umaasa lamang sa pansamantalang suporta mula sa mga language assistant.
Source / Larawan: Mainichi
