General

“Foreign matter” na natagpuan sa Moderna vaccine, dulot ng human error

Ang Foreign body contamination ng bakuna ay napatunayang dulot ng human error. Inihayag ng Moderna ng Estados Unidos ang sanhi ng mga natagpuang banyagang sangkap sa bagong bakuna sa corona. Kapag nag-install ng dalawang bahagi ng stainless steel sa isang kinontratang pabrika sa Espanya, ang dalawang bahagi ay nag-ugnay nang walang 1mm agwat na dapat sana ay kailangang siguruhing na ligtas ng mga manggagawa. Bilang karagdagan, naganap ang isang pangalawang error sa pag-install nang muling tipunin ang mga bahagi sa sumunod na linggo. Ang mga kasunod na pag-iinspeksyon ay nagsiwalat ng foreign matter, at ang ilang mga padala ay itinigil, ngunit ang unang pagkakamali ay hindi kaagad nakita at ang mga produkto ay naipadala sa Japan. Upang maiwasan ang pagka-ulit ng pangyayari, gumawa sila ng isa pang hakbang upang masiguro na ligtas ang mga bakuna at malinis.

Source: ANN NEWS

To Top