Education

Foreign students become majority in Japan’s night schools

Naglabas ang gobyerno ng Japan ng kauna-unahang pambansang guidelines para sa pagtuturo ng wikang Hapon sa mga dayuhang estudyanteng naka-enroll sa mga night secondary school. Ayon sa Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology, mahigit 60% ng mga estudyante sa mga paaralang ito ay mga dayuhan na ngayon. Ang mga naturang institusyon ay orihinal na itinayo para sa mga taong hindi nakatapos ng compulsory education.

Sa ilalim ng bagong guidelines, bawat estudyante ay magkakaroon ng individualized learning plan na isinasaalang-alang ang kanilang sariling wika, edad nang dumating sa Japan, educational background, at mga layunin sa hinaharap.

Inirerekomenda rin ng gobyerno ang pagpapalakas ng suporta para sa mga guro at mas malapit na koordinasyon sa mga lokal na organisasyon. Layunin ng hakbang na mapadali ang pag-aadjust ng mga dayuhang estudyante sa akademikong buhay, mapalawak ang oportunidad sa trabaho, at matulungan silang makapasok sa vocational schools at senior high schools.

Source: Yomiuri Shimbun

To Top