Immigration

Foreign workers now essential

Ipinakita ng survey sa 2,654 kumpanya sa Japan na 44.6% ang kasalukuyang kumukuha o nag-iisip na kumuha ng mga dayuhang manggagawa.

Sa mga kumpanyang mayroon nang foreign workers, 65.9% ang nagsabing maaapektuhan ang kanilang operasyon kung mahihirapan silang kumuha ng bagong empleyadong dayuhan. Sa nursing at care sectors, lumampas sa 90% ang bilang, habang higit 70% naman sa transport sector.

Samantala, 55.6% ng mga kumpanya ang naniniwalang dapat palawakin ng gobyerno ang pagtanggap sa foreign workers.

Source: Asahi TV / Larawan: Illustrative

To Top