Crime

FOREIGNER BANK ACCOUNTS GAMIT SA SCAM

Dumadami ang mga telephone scam na nanloloko sa mga tao na mag-transfer ng pera sa bank accounts. Ang pinsala ng scam na ito ay lumampas na sa 30 billion yen.

Ayon sa Osaka Prefectural Police, humigit-kumulang 20% ng mga bank account na ginamit para sa pang-scam ay nasa pangalan ng mga foreigners. Ang dami na yan ay three times kaysa sa nakaraang taon.

Naniniwala ang pulisya na ang dumaraming bilang ng mga international students, technical trainees, at iba pa ay nagbebenta ng kanilang mga bank account sa ibang tao kapag bumalik sila sa kanilang mga bansang pinagmulan. Ang pagbebenta ng mga account ay labag sa batas.

Isang NPO na sumusuporta sa mga Vietnamese students ang nagsabi, “Mukhang may mga taong nagbebenta ng kanilang mga account kapalit ng pera dahil nawalan sila ng trabaho at nawalan ng pera dahil sa coronavirus pandemic.”

Ang mga NPO ay nagsasabi sa mga international students na huwag ibenta ang kanilang mga account.

Sabi ng pulis, “Upang maprotektahan ang iyong pera mula sa krimen, siguraduhing suriin ang pangalan sa account kapag gumagawa ng bank transfer.”

NHK NEWS WEB
10 November 2023
https://www3.nhk.or.jp/news/easy/em2023110911564/em2023110911564.html

To Top