News

Former emperor Akihito discharged from hospital

Pinalabas na ng ospital sa Tokyo noong Mayo 10 si dating Emperador Akihito, 91 taong gulang, matapos sumailalim sa mga pagsusuring medikal na nagpakita ng asymptomatic myocardial ischemia — isang kondisyon kung saan nababawasan ang daloy ng dugo sa kalamnan ng puso ngunit walang nararanasang sintomas ang pasyente.

Natuklasan ang kondisyon sa isang regular na check-up noong Abril 15, na nag-udyok sa karagdagang pagsusuri. Bilang bahagi ng paggamot at para mapigilan ang paglala ng arteriosclerosis o paninigas ng mga ugat, bibigyan siya ng mga gamot.

Naospital si Akihito noong Mayo 6 sa University of Tokyo Hospital, kung saan siya rin ay sumailalim sa coronary artery bypass surgery noong 2012. Ito ang unang pagkakataon na siya’y naospital mula noon.

Ayon sa Imperial Household Agency, nasa mabuting kalagayan si Akihito — wala siyang problema sa pagsasalita o paglalakad. Kasama ang dating Emperatris Michiko, umalis sila ng ospital bandang alas-11:30 ng umaga at bumalik sa kanilang tirahan sa distrito ng Akasaka.

Source / Larawan: Asahi Shimbun

To Top