Living in Japan

Free Support

Kami ay tutulong upang punan ang inyong application form para sa(¥100,000)na Special Cash Payments ng Lungsod ng Nagoya. Kailangan lamang ng reserbasyon.

Dalhin ang mga sumusunod:
Application Form ng Special Cash Payments ng Lungsod ng Nagoya
Xerox copy ng harap at likod ng valid ID na katunayang makikita ang Pangalan, Tirahan at Petsa ng kapanganakan (drivers license, health insurance, my number card, residence card)
Xerox copy ng cash card o passbook na katunayang makikita ang bank name at account number kung saang bank account ihuhulog ang \100,000
✅Patutunguhan ng paghulog ay nakabase sa bank account ng taong nakasulat ang pangalan sa sobre

At, maaari ding kumonsulta kung sakaling mayroong problema sa pamumuhay at status of residence.
(Mayroong interpreter sa English, Portuguese, Spanish, Chinese, Korean, Filipino, Vietnamese, Nepali)

✅Magsuot ng mask.
✅Maaaring maghintay kung sakaling hindi nakapagpareserve.

Petsa : Hunyo 28 (Linggo), Hulyo 11 (Sabado)
Oras : 10:00 ~ 16:00
Lugar : Nagoya International Center Annex Hall
Paraan ng Aplikasyon:
Hunyo 19 (Biyernes) mula alas 10:00, mag-apply sa pamamagitan ng pagtawag.
Ipagbigay alam sa amin ang iyong pangalan, numero ng telepono at piniling oras.
①10:00 ②10:30 ③11:00 ④11:30 ⑤12:00 ⑥12:30
⑦13:00 ⑧13:30 ⑨14:00 ⑩14:30 ⑪15:00 ⑫15:30

Katanungan at Aplikasyon:
Nagoya International Center Public Information Division(10:00~17:00, Sarado ng Lunes)
TEL:052-581-0100
※Maaaring ma-cancel ito kapag nagkaroon ng paglawak sa paglaganap ng Bagong Uri ng Corona Virus at kapag may papalapit na malakas na Pag-ulan at Bagyo.
Ipagbibigay alam namin ito sa website ng NIC, sa araw bago gaganapin, hanggang 5pm.

To Top