Fuel Fees na Sinisingil ng mga Air Carrier ng Japan, Tataas mula Agosto
Ang mga Air traveler sa Japan na patungo sa ibang bansa ay maaaring asahan na magbayad ng higit pa para sa kanilang mga ticket sa mga darating na buwan. Ang dalawang pangunahing airline ng bansa ay nagpaplano na taasan ang kanilang mga dagdag na singil sa gasolina, na sinisisi ang surging costs.
Magsisimula ang mas mataas na bayad para sa mga ticket na ibinebenta sa Agosto at Setyembre. Sinusuri ng mga carrier ang mga singil tuwing dalawang buwan.
Ang mga surcharge para sa mga rutang nag-uugnay sa Japan sa Europe at North America ay inaasahang tataas sa kanilang pinakamataas na antas na naitala.
Ang bayad para sa one-way na pamasahe sa All Nippon Airways ay tataas ng 11,600 yen hanggang 49,000 yen. Mga 360 dollars iyon.
Ang mga pasahero sa Japan Airlines ay magbabayad ng 10,200 yen higit pa sa 47,000 yen, o halos 345 dolyares.
Sinabi ng mga carrier na ang mas mataas na presyo ng krudo at ang weaker yen ay itinutulak ang cost of jet fuel.
Ang mga Travel industry official ay nagbabala na ang tumataas na mga presyo ay maaaring magdulot ng drag sa demand.
Nagsisimula nang bumalik sa himpapawid ang mga pasahero sa Japan, ngayong pinaluwag na ang mga kontrol sa hangganan sa panahon ng pandemya sa buong mundo.