FUKUSHIMA TREATED WATER: I-release sa Pacific Ocean sa August 24
Ang government ng Japan ay nagpasya na simulan ang pag-release ng treated water mula sa TEPCO Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa August 24.
August 21 ng hapon, nakipagpulong si Prime Minister Kishida kay Mr. Sakamoto, Pangulo ng All Japan Federation of Fishermen’s Associations, na tumututol sa pag-discharge ng treated water (dahil na rin sa laman nitong natitirang radioactivity), at ipinaalam sa grupo ang layunin ng government na maglaan ng hiwalay na budget para sa pag-release ng treated water sa karagatan mula sa budget ng mga mangingisda.
Inilarawan rin niya ang kanyang layunin na magtakda ng sunod-sunod na pakikipag-pulong sa mga kinauukulang na partido, kung saan pangungunahan ito ng Prime Minister, upang magpatuloy sa pakikipag-ugnayan sa mga mangingisda.
YAHOO NEWS AUGUST 22, 2023
https://news.yahoo.co.jp/articles/11234ecf8552052ce772aa197b8f87168e150f24