G-7 Finance Chiefs, Nangako ng Pagbabantay sa mga COVID Variants, Supply Issues
Ang mga Finance ministers at central bank governors ng Group of Seven nations ay nangako na panatilihin ang kanilang pagbabantay laban sa mga new coronavirus variants at magtutulungan sa global supply chain issues sa gitna ng lumalaking alalahanin sa Omicron variant, ayon sa gobyerno ng Britanya.
Ang finance chiefs ay sumang-ayon sa kanilang videoconference nitong Lunes na makipagtulungan sa pagharap sa supply-chain disruptions, na nagpapabilis ng inflation sa buong mundo at maaaring makapigil sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya, ayon sa isang press release na inilabas ng Britain, na humahawak sa umiikot na G-7 presidency ngayong taon.
Ang G-7 nations “ay sumang-ayon na manatiling mapagbantay sa mga bagong variant ng COVID-19 habang nakikipagtulungan sa global supply issues at nagpapalitan ng mga pananaw kung paano isulong ang higit na katatagan ng supply chains at mga paraan upang makabuo ng mas accurate na larawan ng mga posibleng pagkagambala sa hinaharap,” ang sabi ni release.
Ang mga pangamba ay tumitindi sa higit pang pagkalat ng Omicron variant, habang ang mga alalahanin sa global inflation ay bahagya lamang dahil sa mga kakulangan ng mga kalakal tulad ng mga semiconductor na dulot ng mga pagkagambala sa supply-chain.
Ang G-7 finance ministers, samantala, ay naglabas ng isang pahayag sa kanilang mga pagsisikap na labanan ang antibiotic-resistant infections, na tinatawag ding antimicrobial resistance, na tinatantya nilang pumapatay ng 700,000 katao sa buong mundo bawat taon at nagkakaroon na ng “makabuluhang” mga epekto sa ekonomiya.
Magsasagawa sila ng mga hakbang upang “lumikha ng mga tamang kondisyong pang-ekonomiya” upang ma-preserve ang existing antibiotics at matiyak ang pag-access sa mga ito, mapalakas ang research at development ng antibiotic, at magdala ng mga bagong gamot sa merkado kung saan natutugunan nila ang mga pangangailangan sa kalusugan ng publiko, ayon sa statement.
Ang pagpupulong ay ang pangwakas na ginanap sa ilalim ng G-7 presidency ng Britain bago ang Germany ang humalili noong 2022. Kasama rin sa G-7 ang Canada, France, Italy, Japan at United States, kasama ang European Union.
Mula sa Japan, ang Finance Minister na si Shunichi Suzuki at ang Governor ng Bank of Japan na si Haruhiko Kuroda ay sumali sa mga pag-uusap.