General

Gamagori City: 1 Lalaking NCOV positive, pumasok sa Philippine pub at iba pang lugar

Noong March 5,2020, isang lalaki na nasa edad 50’s ay nakumpirmang positibo sa NCOV sa Gamagori City, Aichi Prefecture.Nagtungo pa raw ito umano sa isang restaurant, tindahan ng alak at pumasok sa isang Philippine Pub.

Natukoy na ang Philippine Pub at ang tindahan ng alak na binisita ng lalaki. Usap-usapan sa twitter ngayon ang pangyayaring ito na nagdudulot ng takot sa mga residente.At ang ikinababahala ng marami ay ang pagkalat at pagkahawa nito sa mga taong nakasalamuha ng lalaki. Agad namang sinusuri at pinuntahan ng kapulisan ang nasabing lugar upang magsiyasat pa ng ibang impormasyon.

Nagtungo ito sa isang restaurant gabi ng March 4,2020. Tumanggi ang mga awtoridad na ipaalam s publiko ang pangalan ng nasabing restaurant, Ang health center sa lugar ay nagpadala na ng mga tao upang idis-infect ang nasabing lugar. Sinuri ang mga kondisyon ng mga taong nakasalamuha ng positibong lalaki atbp.

Kumpirmadong positibo ang magulang ng nasabing lalaki na naninirahan sa Mikawa region kung kaya’t isinailalim rin sya sa pagsusuri at pinagsabihang maghintay sa bahay hanggang sa lumabas ang resulta ngunit hindi nito ginawa, bagkus ay naglibot ito. Kumain sa isang restaurant, bumili ng alak at pumasok sa isang Philippine Pub na ayon sa mga tweets ay “You & Me”. Wala pang kumpirmasyon sa mga awtoridad kung ito nga ba ang pub na binisita ng lalaki pati na rin kung sinu-sino ang may close contact sa kanya sa mga lugar na binisita.
Source: Twitter,TVLOGS
To Top