General

Gamagori: Lalaking gumala sa pub at restaurant Patay na dahil sa virus

Matapos magpositibo sa new coronavirus, namatay na ang lalaki sa Gamagori  City, Aichi prefecture, ngayong araw March 18. Siya ang lalaking nagviral sa twitter world dahil taliwas sa payo sa kanyang manatili sa loob ng bahay ay gumala ito at kumain sa isang restaurant habang sinasabing ” bibigyan kita ng virus, meron ako”.

Nakumpirmang positibo ang lalaki sa virus noong March 4, pinagsabihan syang manatili sa loob ng bahay upang hindi na kumalat pa ang virus ngunit hindi nya ito sinunod. Imbes sumunod, ay kung saan saan ito nagpunta. Nahospital ang lalaki at inanunsyo ng mga opisyal na pumanaw na ito. Magpasahanggang ngayon ay tuloy ang pagiimbestiga sa mga lugar na pinagmulan ng lalaki upang matiyak na ligtas na itong magoperate muli.

Source: ANN News

To Top