Nakatakda na sanang ilabas sa market ang pagbebenta ng Pokemon Go plus, isang device na kung saan ay para syang bracelet na isusuot ng user at konektado sa kanilang mga smartphone via Bluetooth. Ang function nito ay ang magsilbing warning sign tuwing may pokemon na lalabas malapit sa area ng user. Layunin ng imbensyon nito na mapigilan ang mga aksidenteng nagaganap dahil sa laging hawak ng user ang kanilang mga smartphones habang naglalakad. Sa pamamagitan ng Pokemon Go plus, hindi na kailangang hawakan pa ang mga phones habang naglalakad dahil mismong ang bracelet na ang gagawa nun, kusang iilaw at magvivibrate ang bracelet kapag may pokemon na nasagap.
Nakatakda na sa September ang launching ng device na ito.
Source: ANN news