General

Gamot sa influenza sinusubukan gamitin sa coronavirus treatment

Kinukunsidera ng Mnistry of Health, Labor and Welfare ang treatment para sa new type ng coronavirus pneumonia tulad ng gamot na Avigan na ginagamit para sa influenza. Isinasagawa na ngayon ang pageekspiremento kung ito nga ba ay epektibong alternatibo.

Magpasahanggang ngayon ay wala pang nadidiskubreng mabisang panglunas para sa bagong type ng coronavirus na nagiging sanhi ng pneumonia sa mga nahawahang indibidwal.Kung kaya’t ang Ministry ng Health, Labor and Welfare ay tinitignan ang paggamit ng therapeutic agent na epektibo para sa ibang sakit tulad ng Avigan na dinevelop ng isang pribadong pharmaceutical company at syang drug of choice para sa influenza. Dagdag pa ni Mr. Kato sa isang TV program noong ika-22 ng Pebrero. ” Gagawin namin ang lahat, susuriin mabuti kung posible nga ba ito at epektibo bago isapubliko. Para na din sa kaligtasan ng lahat.”

source: youtube

 

To Top