General

GIFU at NAGANO nasa ilalim ng “heavy rain emergency warning” dahil sa dami ng damages

Napakaraming damages ang nagaganap sa iba’t ibang lugar dala ng impluwensya ng tag-ulan sa Japan na nagdulot ng malalang pagkasira sa Kyushu, Gifu prefecture at Nagano prefecture. Tinamaan ng mabibigat na pag-ulan ang Gifu prefecture na may kasamang malalakas na paghampas ng hangin. Tumaas din ang level ng tubig sa mga ilog nito na dahil sa lakas ng agos ay naging maputik at nanalasa sa ilang siyudad. Ang Nagara River, na sikat sa mga ibon na cormorants ay hindi rin nakaligtas sa pananalasa ng walang tigil na pag-ulan at inabot din ng pag-apaw ng tubig ilog na nagdulot ng pagbaha sa sidewalks at boarding points para sa mga ferry boats.

Nag-anunsyo ang Meteorological Agency ng magkakasunod na “heavy rain special warning” mula 6:30am ng July 8,2020. Ang 24 oras na walang tigil na pag-ulan sa Gero City, Gifu Prefecture ay nakapagtala ng maximum 414 mm rainfall water level. Nakitaan rin ng pag-apaw ng tubig ilog ang Hida River na dumadaloy mula Gifu at Nagano prefectures hanggang Ise Bay na parte ng Kiso River system. Ang Kamo River na parte rin ng Kiso River system ay malaki rin ang itinaas ng tubig na nasa yellow alert na.

Pinagiingat pa rin ang lahat sa anumang sakuna na maaring idulot pa ng tag-ulan na ito.

https://youtu.be/stIpidJhRXA

Source: ANN News

To Top