115 na kalahok ang nakagat ng isang uri ng wasp na kung tawagin nila ay “yellow jacket wasp” sa isang marathon competition na idinaos sa Hida City noong sept. 11. Ang pugad umano ng wasp ay natagpuan sa ilalim ng isang tulay na madadaanan umano ng mga runners, marahil ay naistorbo ang mga ito dahil sa vibration sa pagtakbo ng mga ito kung kaya’t nagsimulang umatake ang mga ito. Mula sa 115 katao na nakagat 30-40 sa mga ito ay napilitang tumigil sa competition at magretire samantalang 8 naman ang itinakbo sa hospital at na-admit dahil sa pinsalang natamo mula sa kagat ng mga wasps.
Source: ANN News
#Japinot #Japinonet